First Agri comm public hearing | Transcript of Senator Kiko's opening speech
August 20, 2025
OPENING STATEMENT SENATOR KIKO PANGILINAN
MAGANDANG UMAGA SA MGA KAPWA KO LINGKOD BAYAN.
ON MAY 19, THE MONDAY AFTER ELECTIONS, PAGKATAPOS NG HALALAN, SABI NI PRESIDENT MARCOS INAMIN NIYA SA SARILI NIYANG MGA SALITA, "ANG MGA OPISYAL NG GOBYERNO ANG NASA LIKOD NG RICE SMUGGLING AT NAG-I-ISMUGGLE, MGA OPISYAL DIN NG GOBYERNO. KUMIKITA SILA."
TATLONG BUWAN MULA NOON, THREE MONTHS AFTER OF HUNGER, OF RISING PRICES, OF FARMERS DROWNING IN LOSSES. AND YET—NASAAN ANG MGA OPISYAL NA ITO? SINO SILA? AT BAKIT WALA PA RIN NASASAMPAHAN NG KASO? O KUNG MERON MAN, WALA PANG NAKUKULONG? LALO ANG MGA IMPORTERS AT SMUGGLERS.
LET US STOP PRETENDING WE DO NOT KNOW THE PROBLEM.
AS MY COLLEAGUES SAID DURING MONDAY'S INTERPELLATION OF MY PRIVILEGE SPEECH, THE PROBLEMS GO WAY BACK—AND THE SOLUTIONS- ALAM NA NATIN WAY BACK.
WAY BACK, FOR INSTANCE, SA 18TH CONGRESS, WHEN THE ENTIRE SENATE HAD TO CONVENE AS THE COMMITTEE OF THE WHOLE, PARA MA-IMBESTIGAHAN YUNG PAG BAHA NG CHINESE NA MGA GULAY SA ATING MGA PALENGKE.
AND IN JUNE 2022, SABI NG COMMITTEE REPORT NO. 649, THIS SENATE LAID DOWN CLEAR, CONCRETE RECOMMENDATIONS:
1. PALAKASIN ANG INTER-AGENCY COORDINATION. THE B.O.C. AND D.A. MUST SHARE INFORMATION AND ACT AS ONE. HINDI MAAARING HINDI NAG SHA-SHARE NG INFORMATION. HINDI MAAARING WALA KAYONG GROUP CHAT IKA NGA. 2. FUND ENFORCEMENT. AS EARLY AS 2019, THE B.O.C. ASKED FOR 1,500 MORE PERSONNEL. NASAAN NA SILA NGAYON? 3. TIGHTEN DISCIPLINE. YUNG MGA AHENSYA NG MAKAPANGYARIHAN AT MAYROONG RESPONSIBILIDAD AY KINAKAILANGAN RIN MAYROONG ACCOUNTABILITY. 4. DIGITIZE PROCESSES. TANGGALIN YUNG MGA HUMAN "FIXERS" PARA MAWALA NA ITONG DISCRETION SA USAPING NEGOSASYON AT SIYEMPRE NG KATIWALIAN. 5. BLACKLIST REPEAT OFFENDERS. YAN DIN ANG DAPAT GAWIN. 6. TRAIN ENFORCERS. GIVE THEM THE TECHNICAL CAPACITY TO IDENTIFY FRAUDULENT IMPORTS. 7. ENGAGE THE PRIVATE SECTOR. LISTEN TO SOLUTIONS FROM THOSE ON THE GROUND.
SA NGALAN NG BUONG SENADO, NAIS PO NATING MALAMAN: WHICH OF THESE HAVE BEEN IMPLEMENTED? WHICH HAVE BEEN IGNORED? AND WHO BENEFITS FROM THE INACTION?
NGAYONG UMAGA AT SA MGA SUSUNOD PANG PAGDINIG, HINDI LANG NATIN PAG-UUSAPAN ANG PRESYO NG PAGKAIN. HAHANAPIN NATIN ANG PINAKAMABILIS NA PARAAN PARA MAPABABA ANG PRESYO NG PAGKAIN AT IBA PANG BILIHIN, PARA MAIWASAN ANG GUTOM NG ATING MGA KABABAYAN. PROBLEMA ITO NA URGENT, AT ANG URGENCY KAILANGANG KUMILOS. DAHIL HINDI MAKAKAPAG HINTAY ANG GUTOM. ANG ATING MGA GINUGUTOM NA MGA KABABAYAN KUNG HINDI MASISIRA ANG ULO, MAGKAKASAKIT O KUNG HINDI KAYA MATAPOS MAGKASAKIT AY MAMAMATAY.
KAYA'T SISILIPIN NATIN ANG LAHAT: IMPORT POLICIES, PRICE MONITORING, AND SUBSIDIES NOT JUST FOR RICE, VEGETABLES, MEAT, FISH, PATI BASIC INGREDIENTS TULAD NG BAWANG AT SIBUYAS.
AT BUBUNUTIN NATIN SA UGAT ANG PROBLEMA. SA DULO NG ATING PAGDINIG, HINDI LANG NATIN MALALAMAN KUNG PAANO PABABAIN ANG PRESYO NG PAGKAIN. MALALAMAN DIN NATIN KUNG SINO ANG MGA DAPAT MANAGOT SA LIKOD NG PATULOY NA PAGTAAS NG PRESYO, SA MGA PROTEKTOR NG MGA SMUGGLER MISMO, AT MGA IMPORTER AT BROKER NA KASABWAT NITO.
MGA KABABAYAN, ANG TANONG NGAYON AY HINDI KUNG KAYA BA NATING TAPUSIN ANG SMUGGLING. ANG TANONG: MAY TAPANG BA TAYONG LAHAT NA MGA LINGKOD-BAYAN NA NARITO KASAMA ANG PRIVATE SECTOR NA PANAGUTIN ANG SARILI NATING MGA KASAMAHAN, AT MGA MATAGAL NANG KUMIKILOS SA USAPIN NG PANG AABUSO NG ATING MGA PROSESO SA IMPORTASYON. GAANO KATAAS ANG KANILANG POSISYON? GAANO KALAKI ANG KINUKUBRA ETC. GAANO KALAKI ANG INDUSTRIYA NG SMUGGLING NA NAWAWALA ANG PAG PATAW NG MGA TARIPA AT MGA DUTIES NA DAPAT SANA'Y MAPUPUNTA SA ATING KABAN NG BAYAN.
SALAMAT AT MAGANDANG UMAGA.
Link to Opening Speech:
https://www.facebook.com/watch/live/?ref=watch_permalink&v=1485603255907599
Legal Disclaimer:
EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.
